National News
Caloocan, nangunguna; Muntinlupa, kulelat sa pamamahagi ng SAP sa Metro Manila
Nangunguna ang Lungsod ng Caloocan sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sa Metro Manila; habang pinaka kulelat naman ang Muntinlupa City.
Sa datos ng DSWD-NCR, tinatayang nasa 77.45% ng target beneficiaries sa Caloocan ang nakatanggap na ng ayuda. Sinundan naman ito ng Pasig City na may 76.06%; Valenzuela City na may 66.70%; Marikina – 55.51%; Mandaluyong – 55.01% ; Manila – 51.09%.
Naitala naman sa Lungsod ng Pasay, San Juan, at Muntinlupa ang pinaka mababang bilang ng mga nabigyan na ng SAP.
Sa kabuuan, nasa 603,222 pamilya o 38.70% ng target beneficiaries ang nabigyan na ng ayuda; katumbas ito ng Php 4.8 bilyon.