Connect with us

Camarines Norte Gov. Tallado, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

National News

Camarines Norte Gov. Tallado, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

Pormal nang sinampahan ng kaso ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) si Camarines Norte Governor Edgardo Tallado sa tanggapan ng ombudsman.

Ito ay dahil sa umano’y paglabag ni Tallado sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business Act.

Pinangunahan ang pagsasampa ng reklamo ni ARTA Director General Jeremiah Belgica.

Sinabi ni Belgica na napatunayan sa kanilang imbestigasyon ang pagbabaliwala ng gobernador sa request na quarry permit ng isang kumpanya kahit kumpleto na ang mga dokumento nito.

Una nang sinabi ni Belgica na magsasampa sila ng kaso laban sa mga opisyal ng gobyerno linggo-linggo.

Samantala, ibinunyag din ng ARTA na may mga negosyanteng naglalaaan ng kaukulang budget para ipambayad nila sa mga “taga-ayos” o fixers  na insider sa isang ahensiya ng pamahalaan.

Ayon kay Belgica, maituturing na itong pakikipag-sabwatan dahilan upang hindi rin masugpo ang red tape sa isang tanggapan ng gobyerno.

Sinabi ni Belgica na ang budget allocation ng ilang mga business owners na para sa mga “taga-luob” ay sadyang pinondohan upang mapabilis ang ginagawa nilang transaksiyon sa isang government agency.

Babala ni Belgica sa mga negosyanteng gumagawa ng ganitong kalakaran, gumagawa na sila ng kaukulang hakbang para sila ay masuspinde.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa PRC at sa Integrated Bar of the Philippines at mula dito’y makagawa ng hakbang sa mga tiwali ring opisyal na nakikipag-sabwatan sa mga tiwali ring kawani at opisyales ng pamahalaan.

 

– Ulat ni Mj Mondejar

More in National News

Latest News

To Top