Metro News
Cargo entry withdrawal permit, suspendido muna – PPA
Sinuspende ng Philippine Ports Auhority (PPA) ang pag-isyu ng cargo entry withdrawal permit sa mga truckers.
Sa inilabas na Memorandum Circular No. 10, hindi na kailangan pang magdala ng permit upang makalabas o makapasok ang mga kargamento nito sa kahit anu mang bahagi ng Luzon.
Mananatiling bukas naman ang mga pantalan sa mga cargo ships ngunit kinakailangan nakasunod pa rin ito sa mga panuntunan ng Bureau of Quarantine at Department of Health (DOH).
Hindi naman pinahihintulutan na pumasok ang mga pampasaherong sasakyang pandagat.
Papayagang makapasok o makalabas ang isang cargo kung hindi naman kinakailangan tumawid sa kabilang pantalan.
Habang ang mga kargamento naman na kailangang itawid sa kabilang pantalan ay kinakailangang iunload o ilipat ng panibagong truck at drayber na may 2 pahinante upang mailabas ang kargamento.
Kinakailangan din na ang lahat ng drayber at pahinante ay dumaan sa health screening bago sila makapasok o umalis ng pantalan.