Connect with us

‘Cash assistance’ sa mga apektado ng ASF, dinagdagan pa ng pamahalaan

National News

‘Cash assistance’ sa mga apektado ng ASF, dinagdagan pa ng pamahalaan

Inanunsyo ng Department of Agriculture ang pagdagdag sa cash assistance ng pamahalaan sa mga apektado ng African Swine Fever.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Asec Noel Reyes, tagapagsalita ng DA, mula sa P3,000 ginawang P5,000 na ang ibibigay na finansyal na ayuda ng pamahalaan sa kada baboy ng mga hog raisers na apektado ng ASF.

Ang pagdagdag ng financial assistance ay kasunod ng pagapruba ni Pang Rodrigo Duterte sa rekomendasyon ni Agri Sec. William dar.

Sa tala ng DA nasa humigit kumulang 12 libong baboy ang pinatay upang pigilan ang pagkalat ng ASF sa ibat ibang lugar sa luzon.

More in National News

Latest News

To Top