Regional
Catanduanes, isinailalim na sa state of calamity dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng dengue
ISINAILALIM na sa state of calamity ang Catanduanes dahil sa paglobo ng bilang ng kaso ng dengue sa probinsya.
Ito ay matapos pumalo na sa 1,928 na dengue cases ang naitala ng Provincial Health Office (PHO) sa Catanduanes mula Enero 1 hanggang Agosto 30 ngayong taon.
Lubhang mataas ito kumpara sa 100 dengue cases na naitala naman noong nakaraang taon.
Pinakamaraming tinamaan ng dengue sa Virac na may 583, sumunod ang San Andres na may 496, Caramoran-184, Viga-181, Bato-155 at Pandan- 139.
Maging ang mga hallway at conference rooms sa mga ospital ay ginagamit na rin bilang wards upang matugunan ng mga ospital ang lumolobong bilang ng kanilang mga pasyente.
Bunsod din ng kakulangan sa manpower ay nagdeploy na rin ng mga pulis na registered nurses sa ilang ospital sa Catanduanes para tumulong sa loob ng dengue wards.
Ulat ni: Karen David
