Metro News
CAVITEX, magkakaroon ng dry run sa cashless toll collection
Magkakaroon ng dry-run sa cashless toll collection ang Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX) simula Setyembre 14, 2024.
Ang mga toll booth na kasama dito ay ang Parañaque (R1 Expressway) Toll Plaza at Kawit (R1 Extension Expressway) Toll Plaza.
Kaugnay dito, hinihikayat ang lahat na mga motorista na dadaan sa CAVITEX na gamitin na ang kanilang mga RFID (Radio Frequency Identification).
Sakaling wala talagang RFIDs, itatabi naman ang isang motorista sa isang lokasyon para makapagbayad ito ng cash.