Connect with us

Cayetano sa P20/kilo ng bigas: How do we get there?

Cayetano sa P20/kilo ng bigas: How do we get there?

National News

Cayetano sa P20/kilo ng bigas: How do we get there?

Nais ni President-elect Bongbong Marcos na ibaba sa P20 kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa.

Isa ito sa mga pangako ng bagong Pangulo ng bansa sa kasagsagan noong kampanya.

Solusyon ni President-BBM, ayusin ang value chain sa agrikultura para maging abot kamay ang nais niyang presto.

Ngunit sa isang event ngayong hapon sa Taguig City, may komento dito si Senator-elect Alan Peter Cayetano.

“First time kong narinig P20 ‘yong rice. Just like any politician, nasabi ko, posible ba ‘yon? Anong klaseng pangako ‘yon?,” ani Cayetano.

Pero nilinaw ni Cayetano ang kaniyang pahayag.

Ayon sa kanya, maganda ang ‘conclusion’ ng plano.

Pero ang kailangan raw tutukan dito ay kung paano maisasakatuparan.

“But if I am a true Christian, public servant; if I really believe in science then hindi pwedeng ganoon ang pag-iisip ko. Dapat ang pag-iisip ko, maganda ‘yong conclusion, how do we get there,” dagdag pa nito.

Giit pa niya, kung hindi man magagawang ibaba sa P20 pesos, pwede pa rin naman daw ng ibang price adjustment.

“How do we get there? And if we don’t get to P20 but we get to P30?  Hindi ba mas maganda ‘yon kaysa sa P40, P45 at P50?”, saad pa ng senador.

Samantala, sinagot naman ni Cayetano kung anong magiging role niya sa Senado sa susunod na anim na taon.

“Ang aking magiging mantra for the next 6 years ang “Tama ay tama at ang mali ay mali.” But it’s not enough to point out pag mali, kailangan magbigay ng alternatives kasi kung mali at sasabihin mo lang mali, tao din ang magsa-suffer,” saysay pa nito.

At sa tanong kung majority ba o sa minority group aanib si Cayetano?

Lalo na’t nais raw ng mga kasamahan niya sa senado na siya’y mag-majority.

 “Alam n’yo kailangan n’yo ng fiscalizer. So, kung ibibigay n’yo ‘yong [Senate] Blue Ribbon Committee then baka may dahilan akong mag-majority because I will be able to do my job,” paglilinaw pa ni Cayetano.

More in National News

Latest News

To Top