Connect with us

Cayetano to Velasco: Makakaupo ka bilang Speaker kung gusto ng Pangulo

Cayetano to Velasco: Makakaupo ka bilang Speaker kung gusto ng Pangulo

National News

Cayetano to Velasco: Makakaupo ka bilang Speaker kung gusto ng Pangulo

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na makaka-upo lamang bilang Speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco “kung yan talaga ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Cayetano, walang dapat ikatakot si Velasco kung sakaling hindi siya maging speaker dahil makukuha raw nito ang pwesto kung nanaisin ito ng Pangulo na tumatayo ring lider ng kanilang coalition.

“Wag kang matatakot na hindi ka magiging Speaker. Kasi kung ‘yan talaga ang gusto ng Presidente…mangyayari yan, ‘di ba?” wika ni Cayetano.

Matatandaan na sina Cayetano at Velasco ay kasama sa 15/21 term sharing agreement sa pwesto bilang Speaker na nabuo noon matapos nilang hingin ang basbas ng Pangulo.

Kung matutuloy ang kasunduan, magreresign si Cayetano bilang Speaker sa mga huling araw ng oktubre para makaupo sa pwesto si Velasco bilang lider ng kamara sa unang linggo ng nobyembre na siya namang budget season sa kongreso.

Samantala, hinamon naman ni Cayetano si Velasco na sabihin “on the record” na silang dalawa lamang ang magpapalitan ng pwesto bilang Speaker at hindi gagalawin at mananatili sa kani-kanilang posisyon ang mga committee chairman.

“Sila ang nagte-threaten ng coalition by what they are doing, ‘di ba? So ‘yon ang challenge ko naman sa kanya: Go on the record, na pagpalit [natin as Speaker], tayong dalawa lang ang magpapalit. All the other chairmen will stay. Problema he’ll lose some of his support, ‘di ba?” ani Cayetano.

 

Ulat ni: MJ Mondejar

More in National News

Latest News

To Top