Connect with us

CCG, inagaw ang suplay ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre

CCG, inagaw ang suplay ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre

National News

CCG, inagaw ang suplay ng mga sundalo sa BRP Sierra Madre

Inagaw ng mga Chinese Coast Guard (CCG) ang supply na pagkain na para sana sa mga Pilipinong sundalo na nadestino sa BRP Sierra Madre habang pinabulaanan naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kumakalat na video na panunutok ng baril ng mga sundalong Pilipino sa mga Chinese.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. “Definitely this is illegal this action of getting, confiscating our supplies is illegal dahil hindi naman po dapat ginagawa ‘yan.”

Ginawa ng opisyal ang pahayag sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, araw ng Martes, ika-4 ng Hunyo.

Noong May 19 kasi nagsagawa ng panibagong rotation and resupply mission (RoRe) ang tropa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre (LS57) sa Ayungin Shoal.

Sa nasabing RoRe mission, umabot sa 4 na sortie o naka 4 na balik ang eroplano ng Pilipinas na siyang naghulog ng mga supply para sa mga sundalong Pilipino.

Ngunit 3 lang ang nakuha ng mga sundalo dahil ang isang kahon ay nakuha ng mga Chinese.

Ayon kay Commodore Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy (PN) for the West Philippine Sea (WPS), matapos makita ng mga Chinese na pagkain ang inihulog mula sa eroplano ay kanila itong itinapon sa dagat.

“After opening it and realizing that its only food stuff they dump this back into the sea contrary to what they circulate online that we are polluting the seas,” ayon kay Trinidad.

Ayon sa opisyal, maituturing na iligal ang ginawa ng China dahil nasa loob na sila ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

Pangalawa, hindi rin aniya tama ang ginawa ng China na hinarangan ang lehitimong operasyon ng Pilipinas.

“First and foremost, I would like to emphasized that the PLA agents have no authority to be within our exclusive economic zone they should not be there they have no right they were trespassing into our exclusive economic zone secondly they interfered the legal operational resupply mission,” saad pa nito.

Kaugnay nito ipinaliwanag naman ni Gen. Brawner na kaya nila napagdesisyunang i-airdrop ang mga supply ay para maiwasan ang nararanasang pangha-harass ng China ngunit hindi pa rin ito nakalusot.

“We did that because we believe that we have to perform our missions in a peaceful manner kaya nga naisip na natin na mag-airdrop nalang at para walang resistance wala na ‘yung harassment na nangyayari sa dagat pero still nakita niyo sa video ganun parin eh ganun parin ayaw tayong tantanan,” dagdag pa ni Brawner.

Samantala, pinasinungalingan naman ng AFP chief ang kumakalat na video ng umano’y panunutok ng baril ng mga Pilipinong sundalo sa mga CCG.

“The issue of the pointing of the guns we are denying that any of our soldiers pointed deliberately their guns to any of the Chinese in the RHIBS,” ani Brawner.

Ngunit hindi itinatanggi ng AFP na may baril ang mga sundalo.

“But we will not deny the fact that they were armed because the BRP Sierra Madre is a commissioned Philippine navy ship and therefor it is authorized to have weapons we are authorized to put weapons on board both crew and individual weapons of our soldiers meron tayong karapatan because of the concept of self-defense,” aniya.

Dagdag pa ni Gen Brawner, dahil sa sobrang lapit na ng mga Chinese sa BRP Sierra Madre kaya nagdulot ito ng pangamba sa mga Pilipinong sundalo ngunit alam aniya ng mga sundalo ang rules of engagement.

“In this case because of the intent of the Chinese Coast Guard to get our supplies they came very very close to the BRP Sierra Madre and of course this post from the point of view of our soldiers this post a danger a threat dahil napakalapit na nila that is why there were videos images of our soldiers carrying their guns but they again I would like to emphasize they did not point their guns to the Chinese meron po tayong sinusunod na rules of engagement alam po ng mga sundalo natin ‘yan,” pahayag pa nito.

Sa huli sinabi ng AFP chief na kanila na itong naiparating sa mga kinauukulan.

“We have reported this already to our department of national defense we have provided the information to department of foreign affairs so we have done our part it’s up to DFA whether they will file a protest for this action illegal action that was done by Chinese Coast Guard,” giit nito.

More in National News

Latest News

To Top