Connect with us

CCTV footage kay VP Sara sa NAIA, demolition job – Prof. Tiquia

Isang malisyosong pag-atake ang pagpapakalat ng CCTV security footage sa NAIA Terminal 3 kay Vice President Sara Duterte

National News

CCTV footage kay VP Sara sa NAIA, demolition job – Prof. Tiquia

Isang malisyosong pag-atake ang pagpapakalat ng CCTV security footage sa NAIA Terminal 3 kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa isang batikang political strategist na si Professor Malou Tiquia, isang demolition job ang ginawang pagpapakalat ng naturang umano’y CCTV footage.

Ani Tiquia, “The intent was malicious, may nakita panga akong mainstream media may poll, “do you agree, or do you not agree”, c’mon kasi it doesn’t add up to our problem right now.”

Laganap kasi sa social media ngayon ang larawan ni VP Sara kung saan paalis ito ng bansa kasama ang kanyang pamilya patungong Germany.

Umani naman ito ng iba’t ibang negatibong reaksyon sa mga netizen dahil sa timing ng kanyang pag-alis kung saan naman nanalasa ang Habagat at bagyong Carina.

Saad pa nito, “Kung titignan niyo ho ‘yan, ‘yan ho ay hindi cellular phone shot, ‘yan ho ay photo ng CCTV sa NAIA. Ang tanong ko ho, siya ho ay nag paalam July 9 kasi ho lahat ng opisyal kahit empleyado kailangan may travel order na iprepresent sa bid bago makalabas. So humingi sya, nirespeto niya ang proseso kahit na sinasabing private ito.”

Tanong pa nito, “Sinong nag utos sa securty detail sa security ng NAIA na kunan siya? I-splice ‘yang photo na yan at i-release sa mainstream media, that is a demolition. Sino ba nag bosing ng GM sino ba ang bosing ng security na nag hahandle ng CCTV?”

Kaugnay naman sa mga nagsasabing karapatan daw malaman ng publiko kung nasaan ang bise presidente, ito ang tugon ni Tiquia, “Eh private na travel iyan. Eh ang presidente nga nung pumunta ng singapore noong nagbabagyo para manuod nung karera ang picture nya hindi ganyan. Ang picture na nanduduon na Singapore. At nanunuod diba. At ‘yun ay dahil shinare nila sa kanilang kaibigan nila. Look I’m watching the ganyan. Ito ba si vice presidente ang nag-share niyan? At sinabing ako’y paalis. Kasi ho private iyan. Respetuhin naman. Oho siya ay bise presidente pero may mga bagay na may protocol at may mga bagay na pribado. Biro niyo kasama niya ang kaniyang anak ang kaniyang nanay ang kaniyang asawa, ayun ho ba public matter to you?

Sa naunang statement naman ni VP Sara, hindi nito inilihim sa publiko ang kanyang pag-alis sa bansa kasama ang kanyang pamilya.

Kasabay naman nito, ang pagtitiyak ng pamamahagi ng tulong ng Office of the Vice Presidente sa mga naapektuhan ng sama ng panahon.

Ayon pa kay Tiquia, bago pa man humagupit ang bagyo ay naka posisyon na ang naatasan ng bise presidente para sa pamamahagi ng tulong.

More in National News

Latest News

To Top