Connect with us

CCTV footage ng tangkang pag-areglo kay Jonathan Morales para tumahimik, inilabas na sa publiko

CCTV footage ng tangkang pag-areglo kay Jonathan Morales para tumahimik, inilabas na sa publiko

National News

CCTV footage ng tangkang pag-areglo kay Jonathan Morales para tumahimik, inilabas na sa publiko

Inilabas na ni former Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Agent Jonathan Morales ang video ng tangkang pag-areglo sa kanya para tumahimik at huwag nang dumalo pa sa Senate investigation sa isyu ng PDEA leaks kung saan sangkot si Pangulong Bongbong Marcos.

Si Morales mismo ang naglabas ng video kasabay ng panayam sa kaniya ng political vlogger na si Maharlika.

Sa nasabing vlog, nilinaw ni Jonathan Morales na hindi siya kailan man lalabas sa publiko at basta nalang magsasalita kung wala siyang hawak na ebedensiya.

“Alam ninyo hindi po ako magsasalita kung wala akong pinanghahawakang ebidensiya nung binanggit ko ‘yung CCTV sa Senado ay na-download ko na ito at naghanda ako ng ilang kopya ng video at sa katunayan tinakpan ko ‘yung binlur ko ‘yung identity nung kaibigan ko at tinranscribe ko ‘yung ilang mga dialogue at madali siyang maintindihan ng makakapanood noon,” ayon kay former PDEA agent, Jonathan Morales.

Kuha ang CCTV footage na ‘yan noong May 1, 2024, araw ng Miyerkules 10:32 ng umaga sa loob mismo ng bahay ni Morales.

Ang taong naka-upo na naka stripes ay si Morales habang ‘yung naka-blur sa video ang kaibigan ni Morales na nakikipag-usap kay James Kumar.

“Ako po ‘yung nakaupo na naka-stripe na blue na walang buhok at ito po ‘yung naka blured ito po ‘yung aking kaibigan na dati kong kasamahan sa trabaho sa PDEA,” dagdag pa ni Morales.

Paliwanag ni Morales, inaalok ang kaibigan niya na maging direktor sa national government ngunit kalaunan ay tila tinatakot na ito na papatayin si Morales kung hindi tatahimik.

“Kung mapapansin niyo sa una parang ang dating tinawagan itong kaibigan ko hindi ko alam kung may previous na sila na pag-uusap ang dating parang tutulungan ako pero nung tumatagal ang pag-uusap nila nandun na ‘yung sinasabi na papatayin ako,” ani Morales.

Sinabi ni Morales na sa nasabing CCTV footage din nabanggit ang pangalan ni James Kumar at LAM o si Liza Araneta Marcos.

“Yung mga habang lumalalim na ‘yung pag-uusap pumapasok na ‘yung pangalang James Kumar pumapasok na ‘yung bumbay, pumapasok na yung LAM yung Liza pumapasok na tinawagan siya nung gabi ‘yung nagsasalita dun sa video call tinawagan siya nung gabi nung James Kumar at ang tinawagan din ang kumausap kay James Kumar ‘yung LAM o ‘yung Liza,” aniya.

Sa huli nilinaw ni Morales na ang nasabing video ay tunay at hindi gawa-gawa lang.

“At ito ipinapaalaa ko sa lahat na ito ay kuha sa CCTV at hindi ito wiretap kumbaga alam ng kaibigan ko na may CCTV kami sa bahay loob at labas ng bahay alam niya na kung ano mang galaw at maka-capture,” pahayag pa ni Morales.

More in National News

Latest News

To Top