Regional
CDO, magpapatupad ng waste segregation rule sa Hulyo
Mahigpit na ipatutupad ng Local Environment and Natural Resources Office ng Cagayan de Oro City ang ‘No Segregation, No Collection’ rule sa kanilang lugar.
Ang nasabing polisiya ay alinsunod sa City Ordinance No. 13378-2018, o ang Integrated Eco-Biological Solid Waste Management Ordinance.
Ipapatupad naman ang nasabing partial waste segregation rule sa 46 barangay, epektibo ngayong darating na Hulyo.
Pero paglilinaw ng pamunuan ng CDO na tanging mga residual waste lamang ang kanilang kokolektahin at maiiwan sa bawat household ang kanilang biodegradable and recyclable materials.
Layunin ng city office na sa pagpasok ng taong 2020 ay makakasunod na ang kabuuang 80 barangay sa Cagayan De Oro City.