National News
Ceasefire, hiniling ni Pang. Duterte sa CPP-NPA
Hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang tigil-putukan sa gitna ng pagtugon ng pamahalaan sa problema sa paglaganap ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ginawa ito ng pangulo sa kaniyang public address kagabi upang magampanan ng mga awtoridad ang kanilang trabaho habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine sa Luzon.
Tugon naman ni CPP Founder at NDFP Chief Political Consultant Jose Maria Sison, na masusi nilang pag-aaralan ang alok na ceasefire ni Duterte.
Aniya, kailangan umanong gawing pormal ng pamahalaan ang naturang kahilingan at ipadaan sa Governement of the Republic of the Philippines (GRP) Negotiating Panel.
Ayon kay Sison, hindi lang sa paglaban sa COVID-19 sila handang tumugon kundi maging sa pagpapatuloy ng naudlot na usapang pangkapayapaan.