Regional
Cebu City Mayor Mike Rama, ‘di na disqualified sa 2025 polls
Hinarang ng Korte Suprema ang diskwalipikasyon ni Cebu City Mayor Michael Rama sa pagtakbo sa 2025 elections.
Ito ay matapos magpalabas ng temporary restraining order (TRO) ang korte laban sa resolusyon ng Commission on Elections (COMELEC) na nagdidiskwalipika sa political aspirants na nahatulan ng perpetual disqualification ng Office of the Ombusdman.
Matatandaang dinismiss ng Ombudsman si Rama sa serbisyo.
Ang TRO ay pabor din sa kandidatura nila Mandaue City Mayor Jonas C. Cortes at dating Albay Governor Noel Rosal.