Connect with us

Cebu Gov. Garcia, nag-resign bilang miyembro ng PDP-Laban

Cebu Gov. Garcia, nag-resign bilang miyembro ng PDP-Laban

Regional

Cebu Gov. Garcia, nag-resign bilang miyembro ng PDP-Laban

Nagbitiw na si Cebu Governor Gwendolyn Garcia bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) epektibo kahapon, Mayo 28.

Sa naturang resignation letter ay binanggit ang tensyon sa pagitan nila at ng suspendidong mayor ng lungsod ng Cebu na si Michael Rama bilang dahilan sa kanyang desisyon.

Sa isang press conference noong Martes, Mayo 28, 2024, sinabi ni Garcia na ang reklamo ni Rama na isinampa laban sa kanya sa Office of the President ang nag-udyok sa kanya na umalis sa partidong pampulitika.

Si Rama, sa kanyang reklamo, ay nagpetisyon para sa pagsuspinde kay Garcia bilang gobernador ng Cebu.

Ayon pa gobernadora na siya ay miyembro ng PDP-Laban mula noong 2019, habang si Rama ay nagsilbing bise presidente ng partido para sa Visayas.

Ang PDP-Laban ay partidong politikal din ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Matatandaang nagsimula ang tensyon sa pagitan ng 2 opisyal noong Pebrero 27 nang maglabas ang gobernador ng cease-and-desist memorandum, na nag-uutos na suspindihin ang mga gawaing sibil para sa Cebu Bus Rapid Transit (CBRT) Project Phase 1 sa harap ng Cebu Capitol building.

Dagdag pa ng gobernadora na sa ngayon ay wala pa siyang planong sumali sa anumang pambansang partidong pampulitika, ngunit nilinaw naman nito na magpapatuloy siya sa pamumuno sa lokal na partidong pampulitika, ang One Cebu, na may mayorya ng mga opisyal sa lalawigan.

Si Garcia ay nagsisilbing kasalukuyang tagapangulo ng One Cebu Party.

Sinabi niya na ang kanyang pagbibitiw sa partido ng PDP-Laban ay hindi makakaapekto sa kanyang relasyon sa ibang miyembro ng partido.

Sa kanyang liham kay Jose Alvarez, presidente ng PDP-Laban, sinabi ni Garcia na para sa ikabubuti ng partido at ng kanyang sarili na tumabi siya dahil maiiwasan nito ang anumang aksyon na makakasama sa partido.

More in Regional

Latest News

To Top