Connect with us

Cebu Gov. Garcia, padadalhan ng show cause order

Cebu Gov. Garcia, padadalhan ng show cause order

Regional

Cebu Gov. Garcia, padadalhan ng show cause order

Padadalhan ng show cause order si Cebu Governor Gwen Garcia upang pagpaliwanagin kaugnay sa inilabas nitong executive order kaugnay sa face mask policy.

Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing III, inatasan na rin nila ang kanilang nasa field office na kausapin muna si Garcia.

Ito ay upang makagawa ng adjustment sa inilabas nitong kautusan.

Nauna na ring sinabi ng Department of Interior and Local Government (DILG) na hindi nito kikilalanin ang inilabas na executive order ni Cebu Governor Garcia kung saan pinayagang maging optional ang pagsusuot ng face mask.

Sa kasalukuyang protocol ng IATF, pinapayagan lamang ang pag-alis ng face-mask sa ilang partikular na pagkakataon tulad ng habang kumakain at sa ilang partikular na sports at aktibidad na ginagawa sa mga lugar na well-ventilated.

Nagpaalala rin ang DILG sa publiko at sa lahat mga lokal na pamahalaan na nanatili pa rin ang COVID-19 virus at hindi pa tapos ang pandemya.

More in Regional

Latest News

To Top