National News
Cebu Pacific, nag-abiso hinggil sa mga biyahe patungong China, Hong Kong at Macau
Nag-abiso ang Cebu Pacific Airline kung saan maaari nang magpa-rebook ng flight ang mga pasaherong nakatakdang bumiyahe patungong China, Hong Kong at Macau.
Ito ay dahil sa umiiral na sa mga pasahero na may biyaheng Shanghai, Canton, Beijing, Shenzen, Xiamen, Hong kong at Macau.
Maaaring magpa-rebook ang mga nasabing biyahe na nai-book mula January 24, 2020 at bibiyahe hanggang February 29, 2020.
Maaaring gawin ang rebooking sa loob ng 30 araw mula sa original travel date nito.
Samantala, maaari ring ipa-refund ng mga pasahero ang halaga ng kanilang ibinayad sa ticket, o kaya naman ay ilagay ito sa travel fund para sa future use.
Pinapayuhan naman ng Cebu Pacific ang mga pasahero nito na gumamit ng face mask kapag bumabiyahe, palagiang paghuhugas ng kamay at gumamit ng alcohol o sanitizer.