Connect with us

Cha-Cha, kulelat pa rin sa mga ‘top concern’ ng mga Pilipino – OCTA Research

Cha-Cha, kulelat pa rin sa mga 'top concern' ng mga Pilipino – OCTA Research

National News

Cha-Cha, kulelat pa rin sa mga ‘top concern’ ng mga Pilipino – OCTA Research

1% lang ng mga Pilipino ang ikinokonsiderang top concern ang Charter Change (Cha-Cha) sa kasalukuyan.

Batay ito sa 2024 first quarter survey ng OCTA Research.

Nasa 1% lang din ang nakikitang top concern ang paghahanda sa anumang uri ng banta na maaaring kahaharapin ng bansa.

Sa kaparehong survey, nananatiling ang pag-control ng inflation ang pinaka-inaalala ng nasa 66% na mga Pilipino.

Sinundan ito nang pagkakaroon ng wage hike at access sa abot-kayang pagkain na nasa 44%.

Ang pagkakaroon naman ng maraming trabaho ay nasa 33% habang 20% ang nagnanais na matugunan ang kahirapan.

More in National News

Latest News

To Top