Connect with us

Chairman George Garcia, nais na magkaroon ng bagong gusali ang COMELEC

Chairman George Garcia, nais na magkaroon ng bagong gusali ang COMELEC

National News

Chairman George Garcia, nais na magkaroon ng bagong gusali ang COMELEC

Sa unang araw ng pag-upo ni Atty. George Garcia kahapon bilang bagong Chairman ng Commission on Elections (COMELEC) ay inihirit agad nito na magkaroon ng bagong opisina o gusali ang komisyon.

Ito ay kasunod ng fire incident sa isang bahagi ng opisina ng COMELEC noong nakaraang linggo ng gabi.

Ayon kay Garcia, P8.2 billion ang kakailanganing pondo para sa pagtayo ng bagong tanggapan.

Hirit naman ni Garcia, ang ibang ahensya ay may sariling opisina pero ang COMELEC sa napakatagal na panahon ay nagrerenta pa rin.

Sa ngayon ay may opisina ang COMELEC sa 5th, 7th at 8th Floor sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros Manila.

Para sa bagong COMELEC building, sinabi ni Garcia, na mayroon na silang inihandang disenyo para dito na pwedeng itayo sa kanilang three hectare lot sa Macapagal Avenue sa Pasay City.

Ayon kay Garcia, maaaring mapasama na sa kanilang proposed budget sa 2023 ang para sa pagpapatayo ng gusali.

Kailangan lamang aniyang gawan ito ng request sa DBM at si Sec. Amenah Pangandaman ang gagawa ng proposal na isusumite sa Kongreso.

More in National News

Latest News

To Top