Connect with us

‘Change is coming’ campaign slogan, natupad ni Pang. Duterte – Malakanyang

'Change is coming' campaign slogan, natupad ni Pang. Duterte – Malakanyang

National News

‘Change is coming’ campaign slogan, natupad ni Pang. Duterte – Malakanyang

Natupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ‘Change is coming’ campaign slogan sa anim na taong panunukulan nito.

Ito ang binigyang-diin ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar sa isang pulong-balitaan sa Malakanyang.

Ibinahagi ni Andanar ang ilan sa mga naging accomplishments ng duterte administration na siyang nagpapakita sa publiko sa tunay na pagbabago na nangyayari sa bansa.

Kabilang dito, ang pagpapalakas ng infrastructure spending sa ilalim ng “Build, Build, Build” (BBB) program.

Saysay ni andanar, napataas ang infrastructure spending sa lagpas 5% ng gross domestic product (GDP) Sa ilalim ng implementasyon ng BBB program.

Sa pamamagitan din ng naturang programa, marami ang nalikhang trabaho o nabigyan ng trabaho at nakatulong din ito na mapasiglang muli ang economic activities.

“Kita naman natin sa Duterte legacy report ng Presidential Communications Operations Office at ng lahat ng mga departamento. Halimbawa na lamang sa Build, Build, Build, ilang porsiyento ang ginagastos ng ating pamahalaan of the GDP na napupunta sa Build, Build, Build,” ani Andanar.

Sa kabilang banda, tinukoy din ni Andanar ang tagumpay ng anti-drugs campaign ng kasalukuyang administrasyon.

Sa naturang war in drugs, bilyun-bilyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska at higit milyon ang sumukong drug personalities.

Bukod dito, nagkaroon din ng mas maraming accredited Drug Abuse Treatment and Rehab Centers sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 “Pagdating sa number of drug-user surrenderees na nagpa-rehabilitate. The amount of hard drugs na nahuli ng ating Philippine National Police, ng ating PDEA,” dagdag pa nito

Samantala, ipinunto rin ng Malakanyang ang pagsusumikap ng gobyerno na mapababa ang poverty incidence sa 14%.

Ipinagmalaki ni Andanar ang game-changing reforms ng Duterte administration sa sitwasyon ng ekonomiya ng Pilipinas na tumaas ngayon ng 8.3% sa unang quarter ng 2022, lagpas ito sa pre-pandemic GDP level.

“Ganoon din sa ating poverty incidence, sa pagbaba nito mula 24 to 14 to 13 pre-pandemic. At makikita natin ngayon, ang pag-angat muli ng ating growth sa ating GDP for the first quarter,” giit pa ng acting spox.

Sa mga ilang nabanggit na accomplishments ng administrasyong Duterte, masasabi ng palasyo, na talagang natupad ni pangulong duterte ang kanyang  popular na “Change is coming” campaign slogan.

Bukod sa napakaraming achievements ng administrasyon, ay marami pang mga proyekto ang patuloy na tinatapos sa nalalabing panahon ng panunungkulan ng punong-ehekutibo.

Samantala, inihayag ni Pangulong Duterte na ginawa na niya ang lahat ng kanyang makakaya upang maihatid ang mga magagandang programa at proyekto na magbibigay ginhawa sa buhay ng mga pilipino at para sa ikabubuti ng bansa sa ilalim ng kanyang termino.

 

 

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top