Sports
Charlotte Hornets, wagi sa kanilang opener game sa NBA 2019-2020 season
Hindi nagpadaig ang Charlotte Hornets sa kanilang opener game sa NBA season 2019-2020.
Tinalo ng Hornets ang koponan ng Chicago Bulls sa dikit na score na 126-125.
Nagpakitang gilas naman ang rookie na si PJ Washington na nagpakawala ng pitong 3-pointers at may kabuuang puntos na 27 points.
Kung susumahin naman ang kabuuang tally ng buong team ay nakapagtala sila ng dalawamput-tatlong 3-pointer namaituturing na pinaka madami sa franchise history sa isang regulation game.
Ito naman na ang unang game ng Charlotte na hindi na nila makakasama ang star player na si Kemba Walker na lumipat nasa Boston Celtics.
-Ulat ni Joel de Lara