Connect with us

CHED Chairman Popoy De Vera, pinabulaanan ang akusasyong sangkot umano siya sa katiwalian

CHED Chairman Popoy De Vera, pinabulaanan ang akusasyong sangkot umano siya sa katiwalian

National News

CHED Chairman Popoy De Vera, pinabulaanan ang akusasyong sangkot umano siya sa katiwalian

Sinagot ni Commission on Higher Education (CHED) Chairman J. Prospero De Vera III ang mga alegasyon ng umanoy katiwalian na ipinupukol sa kanya ngayon ng isang dating komisyoner.

Kasunod ito sa isinampang reklamo sa Office of the Ombudsman ni suspended CHED Commissioner Aldrin Darilag.

Batay sa 5 pahinang complaint-affidavit ni Darilag, inireklamo niya si De Vera ng paglabag sa graft and corruption at grave abuse of authority nang bigyan niya ng pabor ang isang supplier para makakuha ng kontrata sa ahensya.

Sinabi ni Darilag, mismong siya ang inutusan ni De Vera na suportahan ang kumpanyang Aspen kahit hindi kuwalipikado bilang supplier ng CHED.

Paglilinaw naman ng CHED Chairman, hindi siya parte o kabilang sa Bids and Awards Committee (BAC) ng ahensya o ng kahit anong state university at colleges (SUCs).

Wala rin aniya siya sa posisyon upang manipulahin ang anumang procurement process.

Anumang uri ng reklamo sa bidding procedures ay kailangang isangguni at resolbahin ng CHED commission en banc o hindi kaya’y sa Board of Regents of individual SUCs.

Bukod diyan, inakusahan din ni Darilag si Chairman Popoy ng pangha-harass at pang-aapi matapos na hindi siya bigyan ng due process nang mapatawan ng 90-days preventive suspension ng Office of the President (OP) noong Enero 2024.

Hindi rin siya binigyan ng kopya ng complaint at hindi binigyan ng pagkakataon na makapaghain ng counter-affidavit.

Ani De Vera, hindi naman nagmula sa kanya ang direktiba para sa suspensyon ni Darilag dahil ito ay mismo inisyu ng Office of the Executive Secretary dahil na rin sa utos ng OP.

Inatasan din ang CHED na bumuo ng fact finding committee ng OP para imbestigahan ang mga reklamo laban kay Darilag at ito ay isusumite Office of the Executive Secretary.

Nilinaw din ni Chairman Popoy na wala itong nilabas na memorandum upang hindi pahintulutan ang mga staff ni Darilag na makapasok sa tanggapan ng ahensya taliwas sa mga paratang nito.

More in National News

Latest News

To Top