Connect with us

CHED, nilinaw na walang Chinese students na naka-enroll sa SUCs sa Cagayan

CHED, nilinaw na walang Chinese students na naka-enroll sa SUCs sa Cagayan

Regional

CHED, nilinaw na walang Chinese students na naka-enroll sa SUCs sa Cagayan

Binigyang-linaw ngayon ng Commission on Higher Education (CHED) ang balitang pagdami ng mga Chinese national sa probinsya ng Cagayan.

Kasunod ito ng tila pangamba ng iilan dahil sa pagdagsa ng Chinese students sa nasabing probinsya.

Sinabi ni CHED Chairman Prospero de Vera III na walang Chinese students ang naka-enroll sa anumang pampublikong kolehiyo at unibersidad sa naturang probinsya.

Pero, may mga Chinese student lang aniyang naka-enrol sa St. Paul University Philippines – Tuguegarao City.

“Based on the records of CHEDRO  2, there are no Chinese students enrolled in local public colleges and universities in Cagayan province but there is a significant number of Chinese students enrolled in Saint Paul University Philippines (SPUP) – Tuguegarao City,” ayon kay CHED, Chairman, Dr. Prospero de Vera III.

Ipinaliwanag ni De Vera na isang autonomous Higher Educational Institution ang SPUP mula pa noong 2022.

Ibig sabihin, may kapangyarihan itong tumanggap ng mga foreign student.

“SPUP is a higher educational institution granted autonomous status by CHED since 2002 and has an Authority to Accept Foreign Students by the Bureau of Immigration,” saad pa ni Dr. Prospero de Vera III.

Punto pa ng CHED, wala naman silang natatanggap na reklamo kung may nalabag ang SPUP.

Sa oras aniya na may reklamo ay handa nila itong iparating sa inter-agency committee.

Ang awtoridad na ibinigay sa ilang mga HEI na mag-enroll ng mga banyagang mag-aaral ang dahilan kung bakit mayroong malaking bilang ng mga mag-aaral mula sa ibang bansa.

Katulad na lamang ng India, Indonesia, Nigeria, Thailand, Nepal, at Korea.

Ito ay dahil na rin sa abot-kayang halaga ng edukasyon sa Pilipinas para sa mga kursong medisina at iba pa.

Samantala, sa usapin naman ng seguridad ay ipinauubaya na ito ni De Vera sa mga security agency ng pamahalaan upang imbestigahan ito.

“We leave the matter to the expertise of our security agencies to investigate and recommend appropriate actions. We will support and attend congressional investigations and other inter-agency meetings concerning these allegations. We welcome and shall cooperate should any investigation be required,” ani Dr. De Vera III.

More in Regional

Latest News

To Top