National News
CHED, tutulong sa mga estudyanteng apektado ng Taal Volcano eruption
Kinumpirma mismo ng pamunuan ng Commission on Higher Education o CHED ang kahandaan ng kanilang Komisyon na mag-alok ng sa mga apektadong estudyante ng kolehiyo sa Batangas at Cavite matapos ang pag-alburoto ng Bulkang Taal.
Ito’y sa ilalim ng post calamity assistance ng Komisyon kung saan bibigyan ng sapat na pondo ang mga estudyante na nawalan ng hanapbuhay ang kanilang pamilya dahil sa nasabing kalmidad
Bunga ito ng pag-uusap ng miyembro ng Komisyon para agad maibalik sa normal ang naunsiyaming pag-aaral ng mga estudyante.
Batay sa datos ng CHED, umabot sa 32 na kolehiyo sa Batangas ang naapektuhan ng pagsabog habang 4 naman sa Cavite katumbas ito ng 32 libong estudyante kasama na dito ang senior high school, tesda at mga nakikinabang sa unifast program na pinopondohan din ng gobyerno