Connect with us

Child sexual abuse exploitation materials sa internet tumaas sa 29-M noong 2021 – DOJ

Child sexual abuse exploitation materials sa internet tumaas sa 29-M noong 2021 - DOJ

National News

Child sexual abuse exploitation materials sa internet tumaas sa 29-M noong 2021 – DOJ

Nabunyag sa pagdiriwang ng Safer Internet Day na tumaas ang mga suspected Child Sexual Abuse Exploitation Materials (CSAEM) online mula 2018 hanggang 2022.

Ayon kay Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) OIC at Department of Justice (DOJ) Usec. Nicholas Felix Ty, taong 2021 ng naitala ang nakakaalarmang pagdami ng mga reported cases kung saan tumaas ito sa 29-M.

Ayon naman kay DOJ Spokesperson Asec. Mico Clavano, sa halagang P50-300 ay pwedeng magkaroon ng access sa CSAEM.

Panawagan ng justice department  sa internet service providers at social media platforms na mas lalo pang palakasin ang safeguard mechanisms para maiwasan at malabanan ang OSAEC.

Dapat pagbutihin ng internet intermediaries ang age verification systems at content moderation filters nito at gawing user-friendly ang reporting mechanisms sa OSAEC cases.

Kung mabibigo ang mga ito ay maaaring patawan ng parusa ang ISPs at internet intermediaries.

Ang bayad para subscription nito ay hindi pa aniya covered ng Anti Money Laundering Council.

Aminado naman ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at DOJ na ultimo sanggol ay nabibiktima ng online sexual abuse or exploitation of children o OSAEC.

Ang masakit pa dito mismong mga magulang o kamag anak ng biktima ang facilitator.

Sinabi naman ng United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF), na mababa ang nagrereport o nagsusumbong na biktima sila ng OSAEC kung pagbabasehan ang naging pag-aaral noong 2022.

Ayon naman kay Atty. Margarita Magsaysay, OIC- Executive Director ng National Coordination Center against OSAEC and CSAEM, ang ISP at iba pang online platforms ang may pinakamalaking papel upang masawata ang mga pag-abuso online sa mga bata dahil ito ang ginagamit ng mga salarin sa kanilang krimen.

Aniya, kapag mayroong silang nakitang CSAEM, ay dapat agad nila itong ma-takedown at maireport sa mga awtoridad.

Tiniyak naman ng  DOJ na lumalakas na ang kanilang case build up at tumaas na rin ang kanilang conviction rate pagdating sa OSAEC cases.

Noong 2023 ay 29 na akusado sa mga nasabing kaso ang nahatulan ng guilty ng mga korte sa bansa  at nasa 102 na kaso laban sa OSAEC ang naihain sa korte.

Binigyang-diin naman ng DOJ na pinakamahalaga pa rin ang prevention mechanisms tulad ng information and awareness campaign sa mga bata at magulang ukol sa responsableng paggamit ng internet upang maiwasan ang mga nasabing pang-aabuso.

More in National News

Latest News

To Top