Connect with us

China at Pilipinas, magtutulungan para labanan ang mga krimen kaugnay sa POGO

China at Pilipinas, magtutulungan para labanan ang mga krimen kaugnay sa POGO

National News

China at Pilipinas, magtutulungan para labanan ang mga krimen kaugnay sa POGO

Kinilala ng China ang naging aksyon ng mga law enforcement agencies ng Pilipinas laban sa mga kriminal na aktibidad tulad ng pagkidnap at iligal na pagkulong sa mga Chinese citizens partikular na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) workers.

Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, sa nakalipas na dalawang linggo, nailigtas ng mga law enforcement agency ng Pilipinas ang kanilang mamamayang Tsino na ikinulong ng mga POGO companies.

“Appreciative for that and always ready to protect the legitimate rights and interests of Chinese citizens overseas in accordance with the law, the Chinese Embassy will work with the Philippine side on matters such as repatriation in a constructive manner,” ani Huang Xilian, Chinese Ambassador to the Philippines.

Ikinatuwa din ng China ang Pilipinas sa laging handang protektahan ang mga lehitimong karapatan at interes ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat alinsunod sa batas.

Ang Chinese embassy team ay nakipagpulong kay Philippine Justice Secretary Crispin Remulla at sa kanyang Department of Justice (DOJ) team kahapon.

“My embassy team led by Chargé d’affaires ad interim Zhou Zhiyong met with Philippine Justice Secretary Crispin Remulla and his DOJ team,” dagdag pa ng Chinese Ambassador to the Philippines.

Ayon kay ambassador Huang, makikipagtulungan ang embahada ng Tsina sa panig ng Pilipinas sa mga usapin tulad ng repatriation sa isang nakabubuti na paraan.

Nagkasundo ang dalawang panig na palalimin ang kooperasyon sa pagpapatupad ng batas para magkatuwang na masugpo ang mga krimeng may kinalaman sa POGO laban sa mga mamamayang Chinese.

Ang Embahada ng China ay mananatili sa komunikasyon sa DOJ at iba pang mga sangay na ahensya nito.

Una na rin nakipagpalitan ng pananaw si Chinese Ambassador Huang kay Sec. Remulla kaugnay sa pangako na magtutulungan ang 2 bansa sa pagsugpo sa ng krimen kaugnay sa POGO.

Sinabi ni Ambassador Huang na ang gobyerno ng China ay mahigpit na tumututol at gumagawa ng matitinding hakbang para labanan ang pagsusugal.

Ayon sa batas at regulasyon ng China, ang pagsusugal sa anumang anyo ng mga mamamayang Tsino, maging online gambling o pagsusugal sa ibang bansa ay iligal.

Iniulat na karamihan sa mga krimen  sa mga mamamayang Tsino sa Pilipinas ay may kaugnayan sa  POGO.

More in National News

Latest News

To Top