National News
China, dapat magbayad ng P60-M hinggil sa Ayungin Shoal incident – AFP
Ninanais ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na magbayad ang china ng P60-M hinggil sa insidente na nangyari noong June 17 sa Ayungin Shoal.
Katumbas ito sa mga equipment na nasira ayon kay AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr.
Sa naturang insidente ay matatandaang sugatan rin ang 1 sa 7 Pinoy troopers.
Mula dito, sa pahayag ng AFP, nagbigay na sila ng sulat sa Department of National Defense (DND) hinggil sa kanilang hiling para maibigay naman sa Department of Foreign Affairs (DFA).