Connect with us

China, handang tumulong kasunod ng cyber attacks sa PH gov’t websites – DICT

DICT Sec. Ivan John Uy

Ito ang TRIP ko!

China, handang tumulong kasunod ng cyber attacks sa PH gov’t websites – DICT

TECHNOLOGY — Inihayag kamakailan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nangyaring cyber attacks sa mga email address at website ng mga Philippine government agency.

Kabilang sa mga inatake ay ang website ng Philippine Coast Guard (PCG) maging ang pribadong website ni Pres. Bongbong Marcos.

Una nang sinabi ni DICT Usec. Jeffrey Ian Dy na natukoy nila ang internet protocol (IP) address ng cyber attacks sa China partikular na sa state-owned telco na United Network Communications Group o Unicorn.

Ngunit hindi masabi ng opisyal kung may kaugnayan ang Chinese government sa mga pag-atake.

Pumalag naman ang Chinese government sa kontrobersiyang nalikha sa mga naging pahayag ng opisyal ng DICT.

Sabi pa ng tapagsalita ng Chinese Embassy na ang Beijing ay “firmly opposes and cracks down on all forms of cyber attack in accordance with law, allows no country or individual to engage in cyber attack and other illegal activities on Chinese soil or using Chinese infrastructure.”

Dagdag pa nito, “some Filipino officials and media maliciously speculated about and groundlessly accused China of engaging in cyber attacks against the Philippines, even went as far as connecting these cyber attacks with the South China Sea disputes”.

Araw ng Huwebes nang sinabi ni DICT Sec. Ivan John Uy, sa media briefing sa Malakanyang, na nagpahayag ng pagnanais ang China na tumulong sa pamahalaan ng Pilipinas kasunod ng mga naganap na cyber attaks sa mga government email ad at websites.

“Yes, actually, they have reached out to ask if we can do some cooperation,” saad pa ng DICT Secretary.

Ayon pa kay Sec. Uy, handang tumulong ang China sa pagtukoy kung sino ang mga cyber attacker.

“We are open to working with everybody,” sabi pa ni Secretary Uy.

Nananatili rin aniya ang naging direktiba ng pangulo sa DICT.

“So, the directive of the President has remained the same, we need to be vigilant and we need to be always on guard to protect our cybersecurity infrastructure. However, this is not a single person or a single agency’s responsibility,” dagdag pa ng opisyal.

Admar Vilando

More in Ito ang TRIP ko!

Latest News

To Top