National News
China, kinokontrol ang WPS sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga barko
Malinaw na kinokontrol ng China ang teritoryo sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang mga barko sa lugar.
Ayon kay Carlo Schuster, isang retired U.S. navy captain na ngayon ay propeso ng diplomacy and military science, ito ay isang taktika ng Beijing para mapaalis ang mga Pilipinong mangingisda at makontrol ang lugar.
Matatandaan na kamakailan lang ay namataan ang 14 na Chinese vessels sa bahagi ng Julian Felipe Reef sa West Philippine Sea.
Ani Schuster, kung hindi magpapatuloy ang pangingisda ng mga Pilipino sa naturang lugar, kapag walang tutungo doon na coast guard o navy, tiyak na maaangkin na ito ng tuluyan ng China.
Nitong weekend lang ay nagpahayag ang European Union na ang tension sa pagitan ng South China Sea o West Philippine Sea kabilang na ang presensya ng malalaking barko ng China sa Julian Felipe Reef ay nagdudulot ng panganib sa rehiyonal na katatagan at kapayapaan.
