National News
China, magpapadala ng tulong sa Pilipinas laban sa COVID-19
Magpapadala ng tulong ang China sa Pilipinas para malabanan at mapigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa Twitter post ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, sinabi nito na nakipag-ugnayan na si Chinese State Councilor Wang Yi kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin ukol sa ipapadalang tulong.
State Councilor Wang Yi just called with Philippine FM Locsin. We feel the same as the Philippine people are going through difficult times. We will do our utmost to help. Medical supplies and experts will soon go to the Philippines.
— Hua Chunying 华春莹 (@SpokespersonCHN) March 15, 2020
Kabilang aniya sa ipadadala sa Pilipinas ay mga medical supply at mga health expert.
Magpapadala rin ang China ng mga medical supply, Personal Protective Equipment (PPE) at medical devices sa Spain na kabilang din sa pinakamaraming kaso ng COVID-19.