National News
China, makikipagtulungan sa imbestigasyon hinggil sa cyberattacks sa ilang gov’t websites
Handa ang China na makipagtulungan sa Pilipinas hinggil sa isasagawang imbestigasyon kaugnay sa cyberattack na nangyari kamakailan sa websites ng ilang government agencies.
Sa pahayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Ivan John Uy, mismong ang China ang lumapit para makipag-cooperate.
Dagdag pa ni Uy, mayroon rin namang cyberhackers na naka-base sa Pilipinas na target ang Mandarin-speaking na mga bansa kaya maganda ang kooperasyon na ito.
Ilan sa mga tinangkang pasukin ay websites ng Philippine Coast Guard (PCG), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at private website ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Na-detect na ang internet protocol address ng hacker ay mula sa China Unicom subalit hindi naman ito nangangahulugan na ang Chinese government ang mismong nasa likod ng cyberattacks ayon sa DICT-Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).