Connect with us

China, nais makausap muli ng Pilipinas hinggil sa girian sa WPS – DFA

China, nais makausap muli ng Pilipinas hinggil sa girian sa WPS – DFA

National News

China, nais makausap muli ng Pilipinas hinggil sa girian sa WPS – DFA

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sisikapin nila na makausap muli ang China hinggil sa nagpapatuloy na tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay ito sa nangyari noong June 17 sa Ayungin Shoal kung saan 1 sa 7 Pinoy troopers ang nawalan ng daliri.

Sa ulat ay binangga at hinila ng Chinese Coast Guard (CCG) ang inflatable boats ng Philippine Navy habang sinusubukan nilang makarating sa BRP Sierra Madre.

Nang sumakay pa ang mga ito sa 1 sa inflatable boats ay inagaw pa anila ng Chinese troopers ang mga armas ng Philippine Navy.

Sinabi na ni Department of Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na tanging layunin ng naturang aksyon ng Chinese Coast Guard ang hindi magtagumpay ang resupply mission ng bansa sa BRP Sierra Madre.

More in National News

Latest News

To Top