Connect with us

Chinese at Korean nationals, pinakamaraming turistang bumisita sa isla ng boracay mula nang magbukas ito

turistang bumisita

Regional

Chinese at Korean nationals, pinakamaraming turistang bumisita sa isla ng boracay mula nang magbukas ito

Karamihan sa mga turistang bumisita sa Boracay Island sa unang bahagi ng taon ay mga Chinese at Koreano.

Batay sa inilabas na datos ng Malay Municipal Tourism Office, nasa 80 porsyento ng kabuuang total international tourist arrivals simula noong Enero hanggang noong nakaraang buwan ay mula sa China at Korea.

Pinakamalaking contributor ng outbound visitors ang mga Chinese tourist na may 149,019 o 48 % ng kabuuang 309,591 foreigners.

Sinundan ito ng 97,797 Korean, pangatlo ang mga Amerikano na may 8,268 arrivals habang pang-apat ang Russians na may 4,974.

Noon lamang Marso, umabot sa 92,835 ang mga dayuhang bumisita sa Isla, nasa 74,226 naman ang local tourists habang 18,923 ang mga OFW.

Gayunman, mababa ito ng 3 % o 172,207 arrivals kumpara sa 177,081 noong March 2018.

More in Regional

Latest News

To Top