Connect with us

Chinese na nagtago at hindi sumipot sa arraignment, pinaaaresto na

Chinese na nagtago at hindi sumipot sa arraignment, pinaaaresto na

Metro News

Chinese na nagtago at hindi sumipot sa arraignment, pinaaaresto na

Nagpalabas na ng warrant of arrest ang Taguig City Metropolitan Trial Court, laban sa Filipino-Chinese businessman na hindi sumipot sa kanyang arraignment sa Korte sa kasong grave coercion na isinampa ng kanyang dating business partner.

Sa 2-pahinang desisyon ay ipinaaaresto ni Judge Allan Ariola, Acting Presiding Judge ng Branch 115 ang akusadong si Richard Lim, o kilala rin sa chinese community bilang “Lin Jin” dahil sa hindi nito pagdalo sa arraignment kahapon o Lunes, June 3.

Nabatid na umalis ng bansa si Richard Lim o Lin Jin nitong Sabado kahit alam niyang may nakatakda siyang arraignment sa Korte.

Itinakda ng Korte ang P36-K bilang piyansa ni Lin Jin, kasabay ng utos sa public prosecutor ng Department of Justice (DOJ) na resolbahin ang mosyon ng akusado sa desisyon ng DOJ na sampahan siya ng kasong grave coercion at muling itinakda ang pre-trial at arraignment ni Lin Jin sa June 24.

Sa resolusyon noong May 23 ay kinatigan ng Korte ang DOJ na sampahan ng kasong grave coercion si Lin Jin batay sa orihinal na reklamong kidnap for ransom na isinampa ni Eric Lim, na isang Chinese businessman na dating kapartner ni Lin Jin.

More in Metro News

Latest News

To Top