Connect with us

Chinese national, hinuli sa pinaigting na checkpoint ng otoridad kaugnay sa COVID-19

Chinese national, hinuli sa pinaigting na checkpoint ng otoridad kaugnay sa COVID-19

Metro News

Chinese national, hinuli sa pinaigting na checkpoint ng otoridad kaugnay sa COVID-19

Arestado ang isang Chinese national sa checkpoint na ipinatutupad ng otoridad kaugnay sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa boundary ng Quezon City at San Mateo, Rizal.

Kinilala ang hinuling Chinese na si Jian Pang, 33 taong gulang, isang technician at nakatira sa Rolling Hills New Manila, Quezon City.

Chinese National Jian Pang, 33 yrs. old

      Chinese National Jian Pang, 33 yrs. old

Hinuli ang Chinese dahil sa pagmamaneho ng walang lisensya at pagsuway sa otoridad.

Batay sa report ng Quezon City Police District  (QCPD) sa National Capital Region Police Office  (NCRPO), ang naturang chinese ay dumaan sa checkpoint ng otoridad sa boundary ng San Mateo, Rizal at Batasan Hills, Quezon City.

Nang ito ay pinara, batay na rin sa kautusan ng pamahalaan kaugnay sa pinaigting na community quarantine, ay hindi nito pinansin ang otoridad at nilagpasan ang checkpoint sakay ng kanyang Ford Everest (plate number NDK 9319).

Ford Everest (plate number NDK 9319)

                         Ford Everest (plate number NDK 9319)

Dahil sa pangyayari ay hinabol ng mga pulis ang sasakyan at dito ay nahuli ang suspek at napag-alaman na walang Philippine Driver’s License.

Kasong paglabag sa Republic Act (RA) 4136  (driving without license unauthorized counter flow), violation sa article 151 (resistance and disobedience to person in authority or its agent) at paglabag sa ra 11332.

More in Metro News

Latest News

To Top