Connect with us

Chinese nationals na nabigyan ng student visas noong 2023, nasa 16.2-K – Immigration

Chinese nationals na nabigyan ng student visas noong 2023, nasa 16.2-K - Immigration

National News

Chinese nationals na nabigyan ng student visas noong 2023, nasa 16.2-K – Immigration

Halos 16.2-K na Chinese nationals ang binigyan ng student visas noong 2023 ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Mula sa bilang ay may 1,516 ang naka-enroll sa Tuguegarao City batay sa kanilang record.

Dahil ito sa pagpapahintulot ng pamahalaan na mai-convert bilang student visas ang tourist visas ng 1 dayuhan.

Nagsimula ito noong taong 2000 sa administrasyon ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Dahil dito ay tatalakayin ng Inter-Agency Committee On Foreign Students (IACFS) ngayong araw, May 13 ang paglobo ng bilang ng Chinese students sa bansa ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco.

Matatandaan namang nasa 485 lang na mga mag-aaral na Chinese nationals ang na-verify ng immigration hanggang nitong Abril.

Mula sa 485 ay nasa 96 ang on-site classes habang 389 ay online.

More in National News

Latest News

To Top