Connect with us

Chinese officials, ‘di mapipilit na dumalo sa imbestigasyon hinggil sa wiretapping incident

Chinese officials, 'di mapipilit na dumalo sa imbestigasyon hinggil sa wiretapping incident

National News

Chinese officials, ‘di mapipilit na dumalo sa imbestigasyon hinggil sa wiretapping incident

Inamin ni Sen. Francis Tolentino na hindi mapipilit ang mga opisyal ng Chinese Embassy na dumalo sa gagawing imbetigasyon kaugnay sa umanoy wiretapping incident.

Sa kabila ito ani Tolentino ng pagpapadala nila ng “polite invitation” sa Chinese ambassador at consul general ng naturang bansa.

Ang tinutukoy na wiretapping incident ay ang umanoy iligal na pagsasagawa ng audio recording ng chinese diplomat sa naging phone call nito noong May 7 sa pagitan ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP)- western command.

Matatandaang tinalakay anila dito ng dalawa ang napaulat na bagong agreement hinggil sa pag-aagawan ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi naman ni Tolentino na hindi sentro sa imbestigasyon kung totoo na mayroong bagong kasunduan kaugnay sa wps kundi pokus dito aniya ang paksa kung may nilabag ang Chinese diplomat sa anti-wiretapping law ng bansa.

Ang hearing ay nakatakda sa May 22, 2024.

More in National News

Latest News

To Top