Breaking News
Chopper na sinasakyan ni PNP Chief Gamboa, bumagsak sa San Pedro Laguna
Bumagsak ang helicopter na sinasakyan ni PNP Chief Gen. Archie Francisco Gamboa sa Laperal Compound, San Pedro, Laguna.
Bago nito ay binisita ni Gamboa ang bagong impounding area ng HPG sa naturang bayan sa Laguna.
Batay sa opisyal na pahayag ng Philippine National Police Public Information Office (PNP PIO), kaka-take off lang ng PNP Bell 429 Golbal Ranger model chopper nang ito ay aksidenteng sumabit sa high tension wire at bumagsak.
Ayon naman kay Laguna PPO Dir. Col. Serafin Petalio, maalikabok sa lugar habang papalipad ang helicopter kaya sumabit sa kable ng kuryente.
Maliban kay Gamboa, kinilala ng PNP PIO ang iba pang sakay ng helicopter na sina PNP Intelligence chief Mariel Magaway, PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac, ang piloto na si PLTCOL Ruel Zalatar at Co-Pilot na si LTCOL Rico Macawili, crew na si PSMS Estona, PCapt. Gayrama ang aide ng PNP Chief.
Agad na isinugod ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan ng mga nagrescue na PNP HPG personnel at medical personnel.
Mabilis namang inapula ng mga nagrespondeng bombero ang apoy na nalikha ng pagbagsak ng helicopter.
PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac
TINGNAN | Inilabas na sa West Lake Hospital, Pacita San Pedro, Laguna para ilipat sa St. Lukes Medical Center si PNP Spokesman BGen. Bernard Banac | @pol_montibon pic.twitter.com/3hymdZzlIE
— DZAR 1026 Sonshine Radio (@DZAR1026) March 5, 2020
PNP Comptroller MGen. Mariel Magaway
Nasa ligtas naman na sitwasyon si Gamboa na nasa St. Luke’s Medical Center, Taguig City.
with report from Bernard Ferrer
*Developing story