Connect with us

CHR, itinatag para sa makakaliwa – Enrile

Pinili ni President-elect Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. si former Senate President Juan Ponce Enrile bilang kanyang Presidential Legal Counsel.

National News

CHR, itinatag para sa makakaliwa – Enrile

Binatikos ni dating Senate President Juan Ponce Enrile ang galawan ng Commission on Human Rights (CHR).

Sa kanyang programa sa Sonshine Radio, sinabi ni Enrile na tanging ang mga makakaliwa lang ang may human rights para sa CHR at hindi kasali dito ang mga pulis at militar.

Giit ni Enrile, ito’y sa kabila ng buhay ng mga security force ang laging nakataya para matiyak ang seguridad at kapayapaan sa buong bansa.

Ang Commission on Human Rights ay itinatag bilang isang independent na tanggapan na mag-iimbestiga sa mga reklamo ng paglabag sa human rights at pagsusulong sa civil at political rights.

Binubuo ito ng isang chairperson at 4 na miyembro kung saan ang mga komisyuner dito ay may terminong 7 taon.

Ibinulgar din ni Enrile ang dahilan ng pagkakatatag ng CHR sa ilalim ng 1987 Constitution na nilikha ng namayapang si dating Pangulo Cory Aquino.

Kaugnay nito, inihayag ng dating senador na dapat ang mga magiging opisyal ng gobyerno na makakasama ni President-elect Bongbong Marcos ay mas matalino kaysa sa kanilang mga kalaban.

Partikular na tinutukoy dito ni Enrile ang mga rebeldeng kumakalaban sa gobyerno.

Ipinaliwanag din ni Enrile kung anong uri ng pamamahala ang tinutukoy niyang ‘dictatorship of the proletariat’ na ang ideolohiya pa rin ang komunista.

Pero ayon kay Enrile, hindi madali ang pangako ng CPP-NPA-NDF na pagtatatag ng communist government dahil tulad aniya ito ng nangyari noon sa Union of Soviet Socialist Republic (USSR) bago pa ito nabuwag noong 1991.

More in National News

Latest News

To Top