Connect with us

CHR, nasita ng isang Malakanyang official

CHR, nasita ng isang Malakanyang official

National News

CHR, nasita ng isang Malakanyang official

Nasita ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang .

Ito’y kasunod ng pahayag ng pagkondena ng CHR kaugnay sa umano’y paulit-ulit na red-tagging sa mga estudyante, guro at iba pang civil organization dahil ito raw ay seryosong paglabag sa karapatang pantao at maaaring mauwi sa karahasaan tulad ng enforced disappearances at extra judicial killings.

Sa kanyang programa sa Sonshine Radio, ikinuwestiyon ni Enrile ang CHR kung bakit hindi nito ikondena ang CPP-NPA-NDF.

“Bakit hindi nila ikundena ang Communist Party of the Philippines ang NPA at NDF why? Kung talagang totoo ang sinasabi ng Human Rights. Ay kung may ebidensya na member, don’t tell me that the Communist Party of the Philippines is sleeping that they that they will not continue the recruitment. Kayong mga nasa Human Rights, do you believe that walang nang Communist Party of the Philippines that recruits? Tinatanong ko ‘yong Human Rights, are you denying that there’s no more Communist Party of the Philippines? Wala na ang NDF, wala na ang NPA to say he is a communist, my God,” ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Ang naturang pahayag ng CHR ay kasunod na rin ng reklamong inihain ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa CHR matapos subukan ng Philippine National Police (PNP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na magsagawa ng orientation sa isang paaralan patungkol sa pagsisiwalat ng recruitment ng mga NPA sa mga kabataan.

Ang grupong ACT ay kinilala ng anti-insurgency task force ng pamahalaan bilang legal front ng teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Giit naman ni Enrile, kahit kailan ay hindi naman inaamin ng naturang mga grupo na komunista ang mga ito.

“Siyempre, they will not say oh I am red! Hindi nila sasabihin oh I am Leninist. I am Maoist, I am Marxist, hindi nila sasabihin. Sasabihin nila, I am a socialist, I am extreme Liberalist, naku matagal na si Lenin,” dagdag pa nito.

More in National News

Latest News

To Top