Connect with us

CHR, pabor na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN Corp.

Hindi na makukuhang muli ng ABS-CBN ang kanilang dating frequency kung mapagkakalooban sila ng prangkisa.Inihayag ni Franchise Lawyer Atty. Rolex Suplico

National News

CHR, pabor na ma-renew ang prangkisa ng ABS-CBN Corp.

Suportado ng Commission on Human Rights ang laban ng ABS-CBN Corporation na ma-renew ang nito.

Sa panayam ng Sonshine Radio kay Atty. Jacqueline Ann De Guia, spokesperson ng Commission on Human Rights, ipinahayag nito na napakahalagang mabigyan ng garantiya ang lahat sa malayang pamamahayag hindi lamang ang giant network bagkus sa pangkalahatan.

Dagdag pa ng tagapagsalita na sana ay mapag-aralang mabuti ng mga kinauukulan ang ganitong klase ng mga kaso.

Giit pa ni De Guia na umaasa silang lalabas ang tamang desisyong naaayon lamang sa batas.

“Naniniwala at umaasa na sana nga po yung Korte Suprema ay magdesisyon nang tama at ayon sa Konstitusyon, gayundin po ang Kongreso. At sana po ay gamitin nila yung batas at they are guided also by the rule of law. At hindi po sana base sa anumang pulitikal na motibo,” pahayag ni De Guia.

Samantala, nirerespeto naman nila ang opinyon ng Pangulo maging ang posisyon ng Office of the Solicitor General (OSG).

Matatandaang nito lamang Lunes nang magsampa din ng “quo warranto petition” suit ang OSG laban sa mamapasong prangkisa ng ABS-CBN sa darating na Marso 30.

More in National News

Latest News

To Top