National News
CHR, tutol sa pagsasapubliko sa listahan ng umano’y narco-politicians
Ibinasura ng Commission On Human Rights (CHR) ang planong isapubliko ang listahan ng umano’y narco-politicians.
Ipinaalala ng CHR sa mga otoridad na may karapatan ang lahat na ituring na inosente hangga’t hindi napatutunayang guilty.
Bagaman sinabi ni Interior And Local Government Secretary Eduardo Año na be-berepikahin muna ang narco list bago ilabas ay nagbabala ang commission sa pagsasapubliko ng listahan.
Ito ay dahil posibleng maging sanhi ng karahasan ang paglalabas ng narco list sa kasagsagan ng kampanya para sa midterm elections.
Una na ring tinutulan nila Senators Richard Gordon at Panfilo Lacson ang plano ng DILG na isapubliko ang listahan umano ng narco-politicians sa kasagsagan ng kampanya.
Sa halip ay sampahan na lamang ng kaso ang mga opisyal kung may sapat silang ebidensya laban sa mga ito.
DZARNews