Sports
Christian Wood ng Detroit Pistons, nagpositibo rin sa COVID-19
Nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang manlalaro ng Detroit Pistons na si Christian Wood.
Ayon ito mismo kay Shams Chrania ng The Athletic at dagdag pa nito ay hindi nakitaan ng kahit na anong sintomas si Wood.
Si Wood na ang ikatlong NBA player na nagpositibo sa nasabing virus at ito ang una na hindi miyembro ng Utah Jazz.
Matatandaan na una nang nagpositibo sa COVID-19 sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell nitong nakaraang linggo lamang.
Sa ngayon, ang mga player na nagpositibo sa virus ay sumailalim na sa quarantine at kailangan munang makarekober ang mga ito bago pa pag-isipan ng liga na muling simulan ang naudlot nitong season.
