Connect with us

Christmas convoy sa WPS, naglayag na

Christmas convoy sa WPS, naglayag na

National News

Christmas convoy sa WPS, naglayag na

Umalis na ngayong araw, December 8, sa Manila papuntang El Nido, Palawan ang unang batch ng civilian-led Christmas convoy na tutungo sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa Atin Ito coalition, 40 volunteers ang kasama sa tinagurian nilang “Christmas Convoy Civilian Supply Mission”.

Lulan ang mga ito sa isang 150-capacity civilian marine vessel dala-dala ang ibat-ibang donasyon at supplies.

Mula El Nido naman ay makakasama na ng volunteers ang nasa 100 mangingisda.

Dito na magsisimula ang paglalayag ng 40 bangka patungo sa general vicinity ng Ayungin Shoal, Patag at Lawak Islands.

Mula December 10 – 12 ay ipamimigay na ng volunteers ang kanilang dala.

Sa unang proposal ng volunteers, nais nilang magdala ng pamasko hanggang sa BRP Sierra Madre subalit hanggang sa vicinity lang ng Ayungin Shoal ang mga ito pinayagan ng National Security Council (NSC).

Ang pagbabawal ay may kaugnayan na rin sa security concerns.

More in National News

Latest News

To Top