National News
CICC, pinaghandaan ang mga posibleng epekto ng deepfake sa halalan
Ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ay patuloy na pinag-aaralan at pinaghahandaan ang epekto ng deepfake, isang uri ng teknolohiya na gumagamit ng artificial intelligence upang manipulahin ang mga larawan at video.
Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, isa sa mga pangunahing focus ng ahensya ngayong nalalapit na halalan ay ang pag-iwas sa pagkalat ng mga deepfake, na maaaring magdulot ng maling impormasyon at magpahina sa reputasyon ng mga kandidato o tao.
Inihayag niya na mula pa noong 2023, nagsimula na silang makipagtulungan sa Commission on Elections (COMELEC) at iba pang mga ahensya upang maiwasan ang masamang epekto ng mga deepfake, at upang matulungan ang mga botante na magkaroon ng tamang impresyon sa mga darating na halalan.
