Connect with us

 Citizen’s arrest sa mga dayuhan, maaaring i-apply ayon sa PNP

Pinabulaanan ng pamunuan ng Intramuros ang viral photo ng isang dayuhan habang umano'y dumudumi sa isang malaking paso sa naturang heritage park.

National News

 Citizen’s arrest sa mga dayuhan, maaaring i-apply ayon sa PNP

Maaaring i-apply ang citizen’s arrest sa mga .

Ito ang naging pahayag ni PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac matapos ang viral na larawan ng isang dayuhan na tila dumudumi sa Intramuros sa Maynila.

Sa isang pahayag, sinabi ni Banac na sa ilalim ng batas ay maaaring ipatupad ng mga Pilipino ang citizen’s arrest at agad iturn-over sa proper authorities ang sinoman na mahuli para sa proper disposition.

Binigyan-diin ni Banac na bilang Pilipino ay tungkulin natin na maging bahagi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagsita sa mga lokal at dayuhan na lumalabag sa batas at mga lokal na ordinansa.

Gayunman, sinabi ni Banac na dapat agad na i-report ang insidente sa mga otoridad.

Muli ring nagbabala si Banac na aarestuhin ang mga foreign visitor, turista at nagtatrabaho na hindi ginagalang ang batas ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top