Connect with us

Citizens military training, inilunsad sa Senado ni Sen. Padilla

Citizens military training, inilunsad sa Senado ni Sen. Padilla

National News

Citizens military training, inilunsad sa Senado ni Sen. Padilla

Matapos na aminin na nawalan na siya ng pag-asa sa panukalang manadatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Senado ay Basic Citizen Military Training naman ngayon ang isinusulong ni Senador Robin Padilla.

Nitong Lunes, March 11, ay pinangunahan niya ang pagbubukas ng nasabing programa para sa mga empleyado sa Senado.

“Nawalan na ako ng pagasa. 2 taon na para sa akin anong inaantay natin? Isang platform ko noong tumakbo ako, finile natin ito, 2 taon dito wala pa rin. Para sa akin, sarili ko na lang, makumbinsi ko ang mga tao kasi para sa akin napakagandang halimbawa nito pagnalaman may reservist sa Senado,” ayon kay Sen. Robin Padilla.

Ang basic military training ay unang inilunsad noong March 11 sa Senado.

Kahit 3 araw lamang ang nakararaan ay umabot na sa 161 ang nagpalista dito.

Ayon sa senador target nila na maka-recruit ng 300 indibidwal sa Senado.

Layunin nila na magkaroon ng actual, pormal, physical training ang mga sasali. Kailangan aniya ito, lalo ng mga medyo bata pa para magkaroon ng disiplina sa pagdepensa o pagtatanggol sa bansa at maging sa pagresponde tuwing may kalamidad.

“Maganda sinabi ng PN, pag-reserve 18 to 65 at kung kaya mo pa puwede ka pa. Ang ganda noon. Kasi pagdating sa pagsilsibi sa bayan walang age limit. Pag sinabi nating pagtanggol sa bayan pagtanggol sa sarili natin, para wag tayo maging alipin uli ng kahit na sino diyan. Ang akin lang, wag natin asahan ang iba para ipagtanggol tayo,” dagdag pa nito.

Ayon sa senador, plano niyang ikampanya sa buong bansa ang kahalahagan ng pagiging isang military reservist pero kanya muna itong uumpisahan sa Senado at Kamara para magkaroon ng pondo.

Bukod sa Senado, maari ring mag-apply ang sinumang interesado maging reservist sa tanggapan ng Philippine Army (PA), Philippine Navy (PN), at Philippine Air Force (PAF).

More in National News

Latest News

To Top