Connect with us

Civilian mission ng grupong Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc, umarangkada na

Civilian mission ng grupong Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc, umarangkada na

Regional

Civilian mission ng grupong Atin Ito Coalition sa Bajo de Masinloc, umarangkada na

Pumalaot na ang civilian group na Atin Ito patungong Bajo de Masinloc.

Bitbit ng grupo ang misyon sa paggiit sa karapatan ng Pilipinas sa mga isla na bahagi ng West Philippine Sea (WPS) at isa na rito ang Bajo de Masinloc.

Agad namang nagpadala ng barko ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para tiyaking ligtas ang aktibidad ng grupo.

Bigo namang kumpirmahin ng Philippine Navy (PN) ang detalye hinggil sa distansya ng naturang mga barko ng Navy sa civilian convoy para na rin sa kaligtasan ng mga pumalaot.

Una nang napaulat ang biglaang pagdami ng mga barko ng China Coast Guard (CCG) gayundin ng Chinese Maritime Militia Vessel sa paligid ng Bajo de Masinloc para umano harangin ang convoy ng “Atin Ito” Coalition.

Tatagal naman ang aktibidad ng grupo hanggang sa Biyernes, Mayo 17.

More in Regional

Latest News

To Top