Connect with us

Clark International Airport, naghahanda na sa pag-uwi ng mga Pinoy galing China

Clark International Airport

National News

Clark International Airport, naghahanda na sa pag-uwi ng mga Pinoy galing China

Naghahanda na ang Clark International Airport sa pag-uwi ng mga Pinoy repatriates mula sa Hubei Province, China.

Ito ay ayon kay Ms. Teri Flores, Communications Manager ng Luzon International Premier Airport Development (LIPAD) Corporation na siyang namamahala sa Clark International Airport.

Aniya napili ang Clark na pagbabaan ng eroplanong sakay ang mga Pinoy batay na din sa napagkasunduan sa isinagawang conference ng Department of Health kahapon.

 “Actually kino-confirm pa nila kung kailan dadating. Dahil nga marami pang kailangang ayusin sa China. Dahil kailangan nilang sumunod sa mga regulation doon,” pahayag ni Ms. Teri Flores sa panayam ng Sonshine Radio.

Giit pa ni Flores, na hindi ang Clark International Aiport ang mamamahala sa mga pagdating ng mga Pinoy repatriates.

Aniya dadaan ang mga ito sa special lane at kailangan munang dumaan sa Bureau of Quarantine, sa Immigration at sa Customs for screening.

Dagdag pa ni Flores, “Sinisiguro natin, hindi dadaan dun’ sa main path ng geothermal building yung mga repatriate filipinos. Marami po tayong mga kapartners na ahensiya sa paghahanda tungkol dito dahil nga. As i understand, they will have to go to quarantine screenings, immigration and customs pa rin. But this will be banned in a different area.”

Matapos naman nito ay isasakay sila sa bus upang ihatid patungong .

More in National News

Latest News

To Top