Business
Clark-Siargao flights, bubuksan na muli ng PAL
Magsisimula na muli sa Disyembre 3, 2024 ang Clark-Siargao-Clark flights ng Philippine Airlines (PAL).
Tatlong beses ang flights na kanilang gagawin dito batay sa anunsyo.
Maliban sa Clark-Siargao-Clark flights ay mayroon ring biyahe ang PAL papuntang Siargao mula Manila at Cebu.
Inaasahang mas marami na ang mga turistang tutungo sa Siargao dahil dito lalo na’t tinagurian itong “Surfing Capital of the Philippines” ng luxury and lifestyle travel magazine na Condé Nast Traveler.